^

Metro

Mga pasahero ng MRT-3 pinaglakad sa gilid ng riles

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga pasahero ng MRT-3 pinaglakad sa gilid ng riles

Inis na inis ang mara­ming pasahero pero wala silang magawa kundi sumunod sa utos sa kanila na bumaba ng tren para maglakad at makarating sa pinamalapit na MRT-3 station.   ELI CONVOCAR VIA COCONUTS MANILA/File

MANILA, Philippines — Pinaglakad sa gilid ng riles ng Metro Rail Trainsit Line 3 (MRT-3) ang maraming bilang na pasahero makaraang tumirik ang isang bagon nito, kahapon ng umaga.

Inis na inis ang mara­ming pasahero pero wala silang magawa kundi sumunod sa utos sa kanila na bumaba ng tren para maglakad at makarating sa pinamalapit na MRT-3 station.   

Nabatid na dakong   alas-7:39 ng umaga ay nagkaroon ng Automatic Train Failure (ATF) sa pagitan ng GMA Kamu-ning at Cubao stations southbound.

Ang ATF ay katulad ng computer box na nagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad ng MRT-3 kung alin sa mga bahagi ng tren ang hindi gumagana.

Hinatak pabalik ng MRT-3 depot sa North Avenue, Quezon City ang tumirik na bagon habang ang mga galit na pasahero ay nagtiis na lamang na maghintay ng walang laman na tren.

Pagsapit ng alas-8:18 ng umaga ay muli na namang nagkaroon ng train     failure sa northbound sa Buendia Station at muli ring pinababa ang mga pasahero.

Tulad ng dati sa tuwing nagkakaroon ng aberya ay muli naman humingi ng paumanhin sa mga apektadong pasahero ang pamunuan ng MRT-3.

Ang MRT-3 ay bumibi­yahe sa kahabaan ng Edsa mula sa North Avenue, Quezon City, patungo ng Taft Avenue sa Pasay at vice versa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with