^

Metro

Code of silence, binasag ni Ventura

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maituturing na binasag na ni Marc Ventura ang ‘Code of Silence’ nang ibunyag nito ang siyam na mga bagong pangalan na nasa initiation rites sa Aegis Juris Library noong madaling araw ng September 17 kung saan namatay si Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Si Ventura ang isa sa mga respondent sa kaso ni Atio pero isinailalim na sa Witness Protection Program matapos magpasya na magsabi ng katotohanan sa nangyaring ha-zing rites.

Sa anim na pahinang affidavit ni Ventura, kasama sa mga bagong pa-ngalan na naroon sa final rites ay sina Edric Pilapil, Zach Abulencia, Daniel Ragos, Dave Felix, Sam Cagalingan, Alex Cairo, Luis Kapulong, Kim Cyrill Roque, Ged Villanueva at babaeng kasama ni Alex Bose na hindi myembro ng Aegis Juris

Ang mga nasabing indibidwal ay hindi pa kasama sa mga nasampa­han ng reklamo sa Department of Justice kaugnay ng pagkamatay ni Atio.

Sa kabuuan, 23 indibidwal ang pinangalanan ni Ventura na naroon sa initiation rites, at maliban sa siyam na mga pangalan na nabanggit na una nang nabanggit, na  sina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Daniel Hans Matthew Rodrigo, Karl Matthew Villanueva , Joshua Joriel Macabali, Axel Munro Hipe, Marcelino Bagtang, Zimon Padro, Jose Miguel Salamat, Leo Lalusis, Alex Bose at Robin Ramos.

Ang mga nanuntok umano sa braso ni Atio ay sina Zach Abulencia, Daniel Ragos, Sam Caga­lingan, Alex Cairo, Luis Kapulong at Edric Pilapil. Marami pa umano ang nanuntok sa mga braso ni Atio subalit hindi na niya maalala  dahil patay ang ilaw.

Payag naman ang mga magulang ni Atio na  ga­wing testigo si Marc Anthony Ventura laban sa kanyang mga ka-brod sa Aegis Juris Fraternity sa kundisyong ikakanta  niya ang lahat ng fratmen na nagpahirap sa kanilang anak sa hazing, gayundin ang mga elders at mga abogado sa likod ng tangkang grand cover-up sa krimen.

Bagama’t mabigat sa  kanilang kalooban, na tanggalin si Ventura bilang isa sa mga akusado, sinabi nina Carminia at Horacio Jr. na kailangan at dapat nitong sabihin ang katotohanan tamaan man ang  kanyang mga kasamahan. Handa silang  isakripisyo ang kanilang nararamdaman alang-alang sa ikalulutas ng kaso ng kanilang anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with