^

Metro

Biyahe ng MRT-3, natigil dahil sa diaper

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng MRT-3, natigil dahil sa diaper

Ayon kay  Department of Transportation Usec. Cesar Chavez, sumabit sa kawad ng MRT-3 ang diaper na inihagis ng hindi pa nakikilalang suspek kaya nagpatupad ng putol na biyahe dakong alas-6:16 ng umaga. Philstar.com/AJ Bolando, File

MANILA, Philippines — Mahigit isang oras itinigil ang biyahe ng Metro Rail Transit mula sa Shaw Boulevard station hanggang Taft Avenue station bunsod ng itinapong diaper na sumabit sa cable wire sa pagitan ng Ayala at Buendia stations kahapon ng umaga.

Maagang naperwisyo ang mga pasahero makaraang magpatupad ng provisional service ang MRT-3 mula sa North Avenue hanggang Shaw Boulevard lamang ang biyahe.

Ayon kay  Department of Transportation (DOTr) Usec. Cesar Chavez, sumabit sa kawad ng MRT-3 ang diaper na inihagis ng hindi pa nakikilalang suspek kaya nagpatupad ng putol na biyahe dakong alas-6:16 ng umaga.

Noong una ay hindi pa alam ang dahilan kung ano ang sanhi ng aberya kaya siniyasat ang mga bagon at riles hanggang makita ang nakasabit na diaper sa cable wire.

“Nakatama ‘yung diaper sa overhead cabinary system. Ang OCS ay ‘yung daluyan ng kuryente at ‘yung OCS ang dumidikit sa pantograph na ‘yung kuryente naman kumukuha papunta sa mga bagon,” ani Chavez.

Sinabi pa ni Chavez, hindi pwedeng isakripisyo ang kaligtasan ng mga pasahero kaya pansamantalang itinigil ang biyahe.

Nagtagal ang pagtanggal sa nakasabit na diaper dahil sa current ng kuryente at underground ang location ng apektadong lugar. 

Dakong alas-7:34 na ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe ng MRT-3.

Pero pagsapit ng alas- 8:16 ng umaga ay muli na namang nagkaroon ng aberya ang biyahe ng MRT-3 dahil ayaw magsara ang pinto ng isang tren kaya pinababa ang mga pasahero sa Shaw Boulevard Station.

Muling humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga naabalang pasahero dahil sa magkasunod na aberya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with