^

Metro

5,000 pulis ide-deploy sa Metro Manila

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
5,000 pulis ide-deploy sa Metro Manila

Ayon kay Oscar Albayalde, magkakaroon ng Police Assistance Desks (PADs) sa bawat entrances sa lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo na siyang magbibigay ng tulong o assis­tance sa mga dadalaw sa kani-kanilang namayapang mga mahal sa buhay. File

Sa paggunita ng Undas

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 5,000 na miyembro ng kapulisan ang ide-deploy upang bantayan ang 82 sementeryo sa Metro Manila para sa nalalalapit na paggunita ng Undas sa Nobyembre 1.

Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Oscar Albayalde kahapon.

Ayon kay Albayalde, magkakaroon ng Police Assistance Desks (PADs) sa bawat entrances sa lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo na siyang magbibigay ng tulong o assis­tance sa mga dadalaw sa kani-kanilang namayapang mga mahal sa buhay.

Ani pa ng chief, batay sa record ng NCRPO, nakapagtala ng ‘no violent incidents’ sa mga sementeryo noong nakaraang Undas at ito raw umano ang nais ng kapulisan na muling maitala ngayong taon.

“Hangad natin ay peaceful and orderly celebration of the All Saints Day in the 82 cemeteries and columbarium in Metro Manila, so nananawagan po kami sa lahat na sumunod sa guidelines na naka-set para sa Undas.”, pahayag ni Albayalde.

Sinabi pa ni Albayalde na hindi lamang sa North Ceme­tery magiging mahigpit ang kanilang pagbabantay, kundi paiiralin din ito umano sa La Loma Cemetery at Chinese Cemetery sa Manila, South Cemetery sa Makati City at sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Pinaalalahan din ni Albayalde ang mamamayan kaugnay ng mga bagay na mahigpit na ipinagbabawal na dalhin tulad ng anumang uri ng armas, mga patalim, baraha, matutulis na bagay, alak at iba pang nakalala­sing na inumin, at anumang equipment na maaaring lumikha ng ingay sa loob ng sementeryo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with