^

Metro

Kerwin Espinosa nagpasok ng ‘not guilty plea’ sa drug case

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — ‘Not guilty plea’ ang ipinasok ng inaakusahang drug lord na si Kerwin Espinosa nang basahan ng sakdal kahapon sa Manila Regional Trial Court Branch 26 kaugnay sa paglabag sa Section 5  ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Kahapon alas-9:00 ng umaga nang dalhin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Espinosa na nakasuot ng bullet-proof vest habang nakaposas  sa sala ni presiding judge Silvino Pampilo habang inaalalayan ng abugado niyang si Lailani Villarino, kung saan iginiit niya na wala siya sa bansa nang i-raid ang kaniyang bahay sa isang drug operation.

Unang isinampa ni Leyte Provincial Prosecutor Ma. Arlene Huñamayor-Cordovez ang kaso sa Branch 14 ng RTC Baybay City Regional Trial Court noong Setyembre 30, 2016.

Sinasabing mga tauhan umano ni Espinosa sina  Marcelo Adorco, Jose Antepuesto, Jessie Ocarez, Ernesto Dumalat at Jeffrey Pesquera na pawang na­dakip sa isinagawang raid na nakuhanan ng 29.28 gramo ng shabu sa Sitio Tinago, Barangay Binolho, Albuera, Leyte noong Hulyo 28, 2016.

 Iginiit pa ni Espinosa na planted lamang ang mga ebidensiya na iniuugnay sa kaniya.

Itinakda naman ang pre-trial ng kaso sa Nobyembre 10. Matatandaan na si Espinosa ay naaresto sa United Arab Emirates noong nakalipas na Oktubre 2016.

Habang ang kanyang ama na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa ay napatay sa loob ng kulungan nang isilbi ang search warrant.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with