^

Metro

Inspeksyon sa mga gusali, ospital sa Maynila iginiit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng mga pinsalang dulot ng lindol at mga pagyanig na humahantong sa pagkamatay ng tao at pagkasira ng mga ari-arian, naghain ng draft ordinance si Manila 6th District Councilor Joel Par na isailalim sa citywide survey o malawakang inspeksyon ang mga gusali, ospital at paaralan sa lungsod.

Ayon kay Par na may akda ng Ordinance No. 7821, layon nito matiyak na ligtas pa ang mga gusali, istraktura, ospital at paaralan na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Kailangan aniyang handa ang lungsod sa inaasahang ‘Big One’ bago pa magkasisihan ang mga opisyal.

Sa naturang ordinansa dapat na magsagawa ang Department of Engineering and Public Works ng pagsisiyasat upang malaman kung dapat nang gibain o maaari pang iokupa ang gusali. Aniya, marami na ring gusali sa lungsod ang pinaniniwalaang condemned na subalit patuloy pa ring ginagamit na tirahan o opisina. 

Hindi biro ang Big One o 7.2 magnitude  dahil ang 6.7 na tumama sa Surigao City noong Pebrero ay kumitil ng walo katao at ikinasugat ng 200 iba pa. Nais ng  ordinansa na mapigilang mangyari sa Maynila ang insidenteng dinanas ng mga taga Surigao lalo pa’t napakalaki ng populasyon ng Maynila.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with