^

Metro

Kasambahay, natagpuang patay sa ilalim ng lababo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang katulong ang natagpuang patay ng kanyang mga amo sa ilalim ng lababo sa basement ng kanilang tahanan sa Brgy. Old Balara, Quezon City nitong Sabado.

Mga saksak sa katawan ang ikinasawi ng biktimang si Analiza Garde, 44, dalaga, stay-in helper sa Paris St., Capitol Homes, Brgy. Old Balara.

Samantala, pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang kasamahang helper ng biktima na si Diane Todillo, na kasama niyang nanunuluyan sa basement ng tahanan, matapos na umalis ng tahanan at hindi na nagpakita pa, isang araw bago natagpuan ang bangkay ng biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Jose Tasarra Jr., ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 6 (Batasan), nabatid na dakong alas-11:45 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa ilalim ng lababo ng laundry area sa basement ng tahanang pinaglilingkuran niya.

Ayon kay Cesar Cabacungan, 69, negosyante, at amo ng biktima, kukuha umano sana siya ng pagkain ng aso, nang mapuna ang mga patak ng dugo sa hagdan sa laundry area, kaya’t kaagad na tinawag ang kanyang anak na si Cezan.

Kaagad nilang inalam kung saan nagmumula ang dugo at laking gulat nang makita ang bangkay ng biktima sa ilalim ng lababo kaya’t kaagad na itinawag sa guwardiya ng subdibisyon na si Benjamin Bautista, na siya namang tumawag sa pulisya.

Sa salaysay ng mga Cabacungan, nabatid na huling nakitang buhay ng kanyang mga amo ang biktima matapos na pagsilbihan sila sa hapunan noong Oktubre 13.

Dakong alas-9:00 ng umaga anila noong Oktubre 14 ay hindi na umano nila ito nakita pa, habang nagpaalam naman sa kanila si Todillo na aalis na dahil sa malalang karamdaman nito.

Laking gulat na lamang naman ng pamilya nang matagpuang patay na si Garde kinabukasan. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with