^

Metro

Bebot at abogado tiklo sa pekeng gold bar

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Laglag sa entrapment operation ng Manila Police District ang isang abogado at isang babae na nagbenta umano ng pekeng gold bar na nagkakahalaga ng mahigit P4 milyon sa isang Japanese national kamakalawa ng gabi.

 Ipinagharap ng rekla-mong Estafa sa Manila Pro-secutors Office ang dalawang suspek na kinilalang sina  Arlene Ohgiku Y Perez, alyas “Arlene Perez,” 39 anyos, at residente ng no. 395, G. Bautista St., San Jose, Rodriguez, Rizal at  John Alicda Kollin, 52 anyos, abogado at residente ng Baguio City.

Tinutugis pa ang isa pang suspek na kinilalang si Rolly Sanchez.

 Sa ulat ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS), dumulog ang biktimang si Jun Shirakawa, 26, Japanese national,  kasama ang kaibigang si Akoshi Tsutoni at Pinoy na si Ernesto Gea para sa reklamo laban sa mga suspek na nagbenta umano ng pekeng gold bar na may paunang bayad na P3.1 milyon at may balanse na halos P1-milyon noong nakalipas na Agosto.

Umuwi na umano sa Japan ang biktimang si Shirakawa at doon niya na na­tuklasan na peke ang gold bar na nabili sa mga suspek kaya bumalik sa Pilipinas nitong Oktubre 11 upang ireklamo ang mga suspek.

Lingid sa kalaaman ng mga suspek,  nakipag-ugna-yan na sa mga awtoridad ang biktima nang makumbinsi silang makipagkita dito sa New World Hotel sa Pedro Gil, Ermita, Maynila alas 9:00 ng gabi kamakalawa sa pag-aakalang ibibigay na ang balanse sa pekeng gold bar.

Nang iabot na ang P10,000 marked money sa dalawang suspek ay doon   na sila inaresto ng mga tauhan ng MPD-GAIS.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with