PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Estudyante tinarakan, patay sa kapwa stude

MANILA, Philippines — Isang 3rd year college student ang nasawi matapos itong saksakin ng isa namang Alternative Learning Student (ALS) sa Makati City, kama­kalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Franco Cabigas Jr., 19, ng Brgy. Rizal ng naturang siyudad, 3rd year college student sa kursong Maritime Transformation sa Quezon City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Emanuel Mejia, 17, isa namang ALS sa Alternative Learning Center sa Rizal Ele­mentary School at nakatira  sa naturang barangay.

Sa report na isinumite sa tanggapan ng director ng Southern Police District (SPD) na si Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., na­ga­nap ang insidente alas-10:55 ng gabi sa panulukan ng Floraville at Pascua Sts., Brgy. Rizal, Makati City.

Nabatid na habang umiinom ng alak ang  biktima, ng biglang dumating ang suspect at walang sabi-sabing inundayan ng ilang saksak si Cabigas at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Ang duguan namang biktima ay mabilis na isinugod ng kanyang kapatid na si Fred sa naturang ospital, subalit hindi na rin umabot ng buhay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: