^

Metro

Hepe ng Caloocan City Police nagbabala vs mandadaya sa oras ng pagre-report sa duty

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisibakin ang sinumang mandadaya sa pagrereport sa oras ng duty.

Ito ang mahigpit na babala ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo sa 300 bagong talagang pulis. 

Sa kanyang pagharap sa mga pulis na papalit sa mga nasibak na tauhan ng Caloocan Police, iginiit ni Mode­quillo na galit siya sa mga pulis na mandaraya lalo na iyong mga namemeke ng kanilang pagre-report sa duty ngunit nasa ibang lugar naman.  Hindi na umano niya irerekomenda ang suspensyon ng mga pulis ngunit ang agad na pagpapatanggal sa serbisyo.

Nagmula ang 300 pulis sa katabing Malabon, Navotas at Valenzuela City Police Stations na ikakalat sa pitong police community precincts at ilang units ng Caloocan City Police na may 1,200 puwersa na planong sibakin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde.

Sinuportahan naman ni Caloocan City Mayos Oscar Malapitan ang pagpapatanggal sa mga datihang puwersa ng lokal na pulisya upang tuluyan umanong malinis ang pangalan nito at maisaayos ang “peace and order” sa lungsod na binabalot ng kri­tisismo sa kabila ng pagkakatanggap ng ilang mga parangal.

Sa kabila nito, hiningi rin ni Modequillo ang tulong at kooperasyon ng mga bagong pulis para ibangon ang nadungisang imahe ng Caloocan City Police at magtrabaho ng buong tapat.  Dapat rin umanong bawat pulis ay maging Public Community Relations man (PCR man) na palaging nakikipag-ugnayan sa taumbayan upang maibalik ang tiwala sa kanila.

Inihalimbawa rin ni Mo-dequillo ang kabayanihan na dapat taglayin ng bawat pulis tulad ng nangyari kay PO1 Ronald Anicete ng PCP 1 na rumesponde sa nag­wawa-lang lalaki at malubhang nasugatan nang atakihin ng suspek.  Dahil sa katapangan at kahandaan na magserbisyo, nabigyan si Anicete ng Medalya ng Sugatang Magiting at spot promotion ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with