^

Metro

16 na miyembro ng Aegis Juris, pinasusuko ng UST Dean

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni University of Santo Tomas (UST) Civil Law Dean Nilo Divina ang 16 na miyembro ng Aegis Juris Fra­ternity na suspek sa pagka-matay ni Horacio Tomas Castillo III, na sumuko na lamang at harapin ang pangyayari.

Sa pahayag ni Divina, mas makabubuting harapin ng mga ito ang insidente sa halip na magtago dahil  ito ang nararapat.

Mali aniya ang panana-himik lalo pa’t hindi maibi-bigay sa biktima ang nararapat na hustisya.

Wala umanong dapat na ikahiya kung aaminin ng mga ito ang kanilang pagkakamali dahil ito lamang ang magbibigay sa kanila ng peace of mind.

Maaari namang sagutin ng mga ito ang akusasyon sa tamang lugar.

“Hiding the truth will  ne-ver give you peace. Truth will set you free”, dagdag pa ni Divina.

Nangako din si  Divina sa magulang ni Atio(palayaw ng biktima) na titiyakin niya na mapaparusahan ang sinumang responsable sa pagkamatay ng kanilang anak .

Sinabi pa ni Divina na nag­tungo siya sa burol ni Atio  upang patunayan na hindi niya pinagtatakpan ang ginawa ng nasabing fraternity.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with