^

Metro

Suspect sa hazing, nakapuslit na!

Pilipino Star Ngayon
Suspect sa hazing, nakapuslit na!

Kinumpirma kahapon ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa ang isa sa 16 na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sinasabing posibleng may kinalaman sa hazing na na-ging sanhi ng pagkamatay ni Horacio Tomas Castillo III. Photo from Horacio Tomas Castillo III's Facebook/File

Kinumpirma ng Bureau of Immigration

MANILA, Philippines —  Kinumpirma kahapon ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa ang isa sa 16 na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sinasabing posibleng may kinalaman sa hazing na na-ging sanhi ng pagkamatay ni Horacio Tomas Castillo III.

Ayon kay BI Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang, nakaalis na ng bansa si Ralph Caballes Trangia  bago pa maglabas ng  lookout order ang Department of Justice.

Lumilitaw sa pahayag ni BI Ports Division Chief Red Mariñas, nakaalis na ng bansa si Trangia dakong ala-1:53 ng madaling araw noong Setyembre 19 lulan ng Eva Air Flight BR262 patungong Taipei sa Taiwan at may connecting flight sa Chicago USA.

Si Trangia ay isa sa 16 na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na nasa lookout order ng DOJ.

Kasunod nito, tiniyak  ng BI na hindi na makakalusot ang 15 pang natitirang miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Nasa bansa pa rin  aniya ang natitirang 15 na nasa lookout order batay sa ka­nilang records.

Kasama rin si Trangia sa pinangalanan ni Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel na isa sa tatlong pangunahing suspek sa pagpatay kay Castillo.

Anak si Ralph ni Antonio Trangia na registered owner ng Mitsubishi Strada  na may plakang ZTV 539 na umano’y ginamit sa pagdala kay Castillo sa Chinese General Hospital.

Lumalabas sa inisyal imbestigasyon ng MPD na nag­sabwatan sina John Paul Solano at ang mag-amang Ralph at Antonio Trangia para mailihis ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay   sa pagpatay kay Castillo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with