^

Metro

78-anyos na lolo, itinumba sa loob ng jeep

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 78-anyos na lalaki ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin habang nakasakay ang biktima sa isang pampasaherong jeep, kahapon ng umaga sa Malabon City.  

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University Hospital (MCU) ang biktimang si Esen Chuanico, residente ng Maryland St., Cubao, Quezon City. 

Patuloy na kinikilala naman ng pulisya ang dalawang salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng jeep na minamaneho ni Edgardo De Guzman dakong alas-7:30 ng umaga nang huminto sa may Gov. Pascual Street dahil sa nagbaba ng pasahero.

Dito dumikit sa tapat ni Chua­nico ang mga salarin saka pinagbabaril ang matanda dahilan ng kanyang agad na pagkasawi.

Agad naman umanong nakaresponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 sa lugar ng krimen makaraang marinig ang magkakasunod na putok ng baril ngunit hindi na naabutan ang mga salarin. Mismong ang mga pulis na ang nagsugod sa biktima sa pagamutan.

Inaalam pa ng pulisya kung may CCTV sa naturang lugar na makakatulong sa ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with