^

Metro

Davao cops palit sa sinibak na Caloocan cops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipapalit ng Philippine National Police (PNP)  ang mga piling miyembro ng Davao City Police Station sa mga sinibak na miyembro ng Caloocan City Police Station .

Una nang inianunsyo si National Capital Region Police (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde ang pagsibak sa buong puwersa ng Caloocan City Police. Nasa 297 pulis mula sa Sub-Station 2, 4 at 7 ang unang sinampulan ni Al­­bayalde at isusunod naman ang iba pa na isa­salang sa 45 araw na pagsasanay.

Nabatid na aabot sa 1,200 ang kabuuang bilang ng mga miyembro ng Caloocan City Police. Kabilang naman sa hahalili sa puwesto sa mga sinibak na pulis ay ang Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng NCRPO at ang iba naman ay mula Davao City na dadalhin sa Caloocan City Police.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, kasalukuyan nang isinasapinal ng PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ang deployment ng mga pulis sa Davao City sa lungsod ng Caloocan base sa plano ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Carlos, ang DPRM na ang bahalang magdetermina kung sinu-sino sa mga miyembro  ng Davao City Police ang ipapalit sa mahigit 1,000 pulis na nahagip sa revamp matapos na ma­sangkot ang ilan sa mga tauhan nito sa pag­patay sa tatlong teenagers at iba pang illegal na aktibidades noong nakalipas na buwan.

Samantalang ang iba pa na ipapalit sa mga nasibak na Caloocan City Police ay manggagaling naman sa iba pang units ng pulisya.

Binigyang diin ni Carlos na mas pinili ni dela Rosa ang mga miyembro ng Davao City Police dahilan minsan na siyang nagsilbi dito bilang hepe ng pulisya at buo ang kaniyang tiwala sa mga pulis sa kanilang balwarteng lugar ni Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with