PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Illegal vendors sa paligid ng Quinta Market, itinaboy

MANILA, Philippines —  Alinsunod sa kanyang pangako sa mga lehitimong stallholders sa Quinta Market sa Quiapo, pinali­nis  ni Manila Mayor Joseph Estra­da sa Task Force Manila Clean up ang paligid ng palengke mula sa daan-daang illegal vendors.

Ayon kay Estrada, kaila­ngan nilang gawin ito dahil na rin sa reklamo ng mga lehitimong stallholders ng Quinta   at paglilinis at lugar mula sa mga iligal na vendors sa labas. 

Aniya, inatasan na niya si Task Force Manila Clean up chief Che Borromeo na bantayang mabuti ang lugar upang hindi na makabalik   ang mga illegal vendors.

Bagama’t  naiintindihan din niya na kailangan na kumita ng mga illegal vendors mas nangingibabaw umano ang  pagpapatupad  ng batas. 

Una nang nagreklamo sa City Hall ang Quinta Market Stallholders Association Coo­perative Development na bi­nubuo ng 289 stallholders sa Quinta Market. Anila, mas malakas pa ang benta ng mga illegal vendors na huma­harang sa mga mamimili bago pa man makapasok sa loob ng palengke.

Samantala, ang pagpapagawa naman ng ferry terminal ay joint effort ng pamahalaang lungsod at ng Philippine Ports Authority (PPA) na una nang nagplano na buhaying muli ang passenger ferry service sa Pasig River.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: