^

Metro

Human Milk Bank sa QC , pinasigla ulit ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang pinasigla ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang Human Milk Bank sa QC General Hospital na sinimulan niyang ipinatayo noong 2015.

Kahapon, pinangunahan ni Vice Mayor Belmonte ang programäng Milk Letting Activity kung saan may 180 nanay ang nag-donate ng kanilang gatas para sa mga mahihirap na kabataang sanggol na may sakit.

“Patuloy po akong sumusuporta para matulungan ma-ging malusog ang mga kabataan ng QC at ang mga nanay na nakikiisa sa programäng ito”, pahayag ni Belmonte sa kanyang mensahe sa ginanap na okasyon.

Anya, ang nalilikom na gatas ay inilalagay sa Human Milk bank upang ipagkaloob sa higit na nangangailangang mga sanggol laluna yaong may mga sakit upang sila ay lumakas at gumaling.

Mula nang pasimulan ni Belmonte ang programa noong 2015 hanggang 2017 ay  mayroon ng mahigit 400 sanggol na ang karamihan ay may sakit ang nakinabang sa human milk mula sa mahigit 3,000 milk donors. Sa panahong ito ay nakalikom ang Milk bank ng 240,080ml na gatas ng ina.

Ang mga nanay naman na nagkakaloob ng kanilang gatas ay binibigyan ng Human Milk bank share card na magbibigay daan naman sa kanila na malibre sa laboratories sa QC General Hospital, libreng make-up, facial, Hair spa, haircut, hair color at iba pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with