^

Metro

Ginang binoga sa mukha

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 44-anyos na ginang makaraang barilin sa mukha ng hindi pa naki­ki­lalang salarin sa loob ng ga­rahe ng mga trak sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Marilou Villamor, pansamantalang nanunuluyan sa loob ng parking area ng Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations (ACTOO) sa Parola Compound, Tondo, sa naturang lungsod. 

 Sa inisyal na ulat ni PO3 Michael Maraggun, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong alas-11:10 ng gabi nang matagpuan ng helper na si Joseph Hanola, 29, ang bangkay ng biktima sa tapat ng guard post, sa loob ng parking area ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) sa Parola Compound sa Tondo.

Sa salaysay ni Hanola sa pulisya, nakarinig siya ng putok ng baril, kaya’t hinanap niya ang pinagmulan nito. Nagulantang na lang umano siya nang makitang duguang tumatakbo ang biktima hanggang sa tuluyang bumagsak at bawian ng buhay. Patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pagpaslang kay Villamor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with