^

Metro

Maynila, Bacoor ‘sister city’ na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Sister cities” na ang lungsod ng Maynila at Bacoor matapos lumagda sa isang kasunduan sina Manila Mayor Joseph Estrada at Bacoor Mayor Lani Mercado.

Ayon kay Estrada, ang  sister city agreement ay magpapalakas ng ugnayang pang-edukasyon, kultura, at negosyo ng dalawang lungsod. Ilan pa sa mga sister cities ng Maynila ay ang Beijing, China; Honolulu, Hawaii; Moscow, Russia; Taipei, Taiwan; at Winnipeg, Canada.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mercado, asawa ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., na ang paglagda niya sa sisterhood agreement ay isang malaking karangalan para sa kanya at sa mga mamamayan ng lungsod ng Bacoor.

Ayon pa kay Mercado, ang mga Manilenyo, Caviteno, at Bacoorenos ay may mahabang kasaysayan – lahat ay nagsasamang lumaban at nagdanak ng dugo para sa kalayaan ng bansa.

 Tinatayang 17.5 kilometro lang ang layo ng Bacoor sa Maynila. May populasyon ito noong 2015 ng 600,609, at ang ekonomiya nito ay nakadepende sa agrikultura, retail, manufacturing, banking, at services.

 Samantala, napapanatili ng Maynila ang mataas na puwesto sa taunang Regional Competitiveness Summit mula pa noong 2013, tinanghal na ikalawang “most competitive city” .

Inuwi rin ng Maynila ang number one spot sa government efficiency category, ikalawa sa infrastructure, at ikatlo sa resiliency na ginawad ng public-private sector organization National Competitiveness Council (NCC) sa ginanap na 5th Annual Regional Competitiveness Summit nitong Miyerkules, Agosto 16.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with