^

Metro

Brgy. Chairman, inireklamo ng pananakit, pang-aabuso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ng ilang residente sa Tondo, Maynila ang umano’y pananakit at pang-aabuso ng isang barangay chairman na nakuhanan din ng closed circuit television.

Batay sa reklamo ni Ret. Capt. Melencio Bernabe, nangangamba siya hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi maging sa kapakanan ng mga residente  sa Brgy. 50 Zone 4 sa patuloy na pang-aabuso ni Brgy. Chairman Rogelio Galima sa kanyang kapangyarihan.

Nabatid na sinumang sumasalungat sa kanyang ginagawa ay hinaharass at pineperwisyo ni Galima.

Isa sa mga ito ay ang pagbubura ng signage ni Galima ng ‘Bawal Magtapon ng Basura’. Matapos na burahin ang signage, nagsimula na ring gawing basurahan ang lugar na tapat mismo ng bahay ni Bernabe. 

Nakiusap umano si Ber­nabe kay Galima na tigilan ang pagtatapon  ng basura subalit binalewala lamang ito ng barangay official at sa halip ay pinagbalingan naman nito ang mekaniko na nakilalang si Manuel Estrada, 71, na kitang kita sa CCTV na kanyang pinitsarahan at tinulak.

Ayon kay Bernabe, tila walang kinatatakutan si Galima sa kabila ng kanilang mga kasong isinampan sa  MPD- GAS at Manila Barangay Bureau.

Sinabi naman ng isa pang residente na posibleng may nagbibigay ng proteksiyon kay Galima dahil nagawa pa rin nito sa kanyang barangay ang ipinagbabawal.

Alinsunod sa kautusan ng  MMDA, DILG at City of Manila, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang obstruction sa kalsada kabilang ang mga basura at illegally park.

Anang residente na tumangging magpakilala, hindi rin maganda ang epekto ng pagkakaroon ng gabundok ng basura sa kalsada sa pa­ngamba na makaapekto ito sa kalusugan ng mga residente.

Bunsod nito, umaapela si Bernabe gayundin ang iba pang residente kay Manila Mayor Joseph Estrada na aksiyunan ang kanilang reklamo upang matapos na ang pang-aabuso ni Galima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with