^

Metro

Salvage victim ibinalot sa garbage bag

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang  bangkay ng pinani­niwalang ‘tulak’ ng iligal na droga na isinilid sa garbage bag ang itinapon sa kalye, sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw

Inilarawan ang hindi pa kilalang biktima sa edad na 25 hanggang 30, nasa 5’5 ang taas, nakasuot ng blue na pang-itaas at pulang short pants. Napupuluputan ng packaging tape ang katawan nito.

Nabatid sa isinumiteng ulat kay Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, dakong ala-1:00 ng madaling­ araw nang madiskubre ng isang Ryan Francisco ang na­sabing garbage bag na naki­tang tao ang nasa loob, sa Qui­rino Highway, sakop ng Brgy. 179. Caloocan.

Naniniwala naman ang rumes­pondeng  mga tauhan ng Police Community Precinct 4 na sa ibang lugar pinatay ang biktima at iniwan na lang ito sa lugar para iligaw ang imbestigasyon.

Sa pagsisiyasat ng Chief Insp. Liza Elnar Rillo, Scene of the Crime Operatives (SOCO)  ng Northern Police District  (NPD) nakuha sa side pocket ng shortpants ng bangkay ang tatlong plastic sachet ng shabu. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with