^

Metro

Grade 10 stude patay sa kaladkad ng tren

Ghio Ong - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dahil nakasuot ng headset habang papatawid ng riles ng tren, nasawi ang isang grade 10 na estudyante makaraaang kaladkarin ito ng paparating na tren ng Philip­pine National Railway sa Vito Cruz, lungsod ng Manila kahapon.

Nakilala ang bikitma na si Joseph Monar, 15-16-anyos, nakatira sa Espiritu St., at estudyante ng San Antonio National High School ng Makati City.

Ayos sa ulat ng pulisya, nakasuot umano ng headset ang biktima nang papatawid ito sa riles.

Nakatingin umano ang biktima sa paparating na tren na pa-southbound habang papatawid ngunit hindi nito alintana ang isa pang tren na papara­ting na pa-northbound.

“Nakita n’ya ho ang tren, nakatingin ho siya sa tren eh, siguro ho dahil nakababa na ‘yung barera akala niya isang tren na southbound lang ang paparting. Eh meron pang isa eh, northbound” pahayag ni PNR chief Joseline Geronimo.

Sinubok pa umano ng mga nakasaksi na tawagin ang pansin ng biktima subalit dahil sa nakasuot ito ng headset ay hindi nito napansin ang papa­rating na tren gayon din ang tawag ng mga tao.

Handa namang magbigay­ ng ayudang pinansyal sa pa­milya ng biktima ang pamu­­nuan­ ng PNR ani ni Geronimo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with