^

Metro

‘Anting-anting’ sunud-sunod nasabat sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sunod-sunod na ‘anting-anting’ o mga basyo ng bala ang nahuhuli sa mga matatandang pasahero patu­­­ngong probinsiya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Tatlo ang nakunan ng mga basyo ng bala sa departure area ng paliparan kahapon, samantala dalawa naman ang nakunan kamakalawa.

Ayon sa ulat, isang Rolando Garfel, ng Isabela, ang nakunan ng isang bala ng armalite na sasakay ng eroplano patungong Bacolod ang nasita ng makita sa bitbit niyang sling bag ang bala ng ipasok nito sa x-ray machines ang kanyang dala-dalahin, si Noren Ribalde, 26, Pampanga, ay nakunan din ng isang bala ng armalite papunta itong Bacolod. Si Romeo Hena, 68, papuntang Catarman ay nakunan ng isang bala ng kalibre .22 na nakalagay sa kanyang kulay itim na pitaka, si Leonila Marundan, 70 ay nakunan ng isang bala ng kalibre .380 papunta ito ng Busuanga. Gayunman, dalawang pasahero ang nakunan din ng basyo ng bala kamakalawa pero lahat ng mga nahuli ay pinasakay ng eroplano patungo sa iba’t-ibang probinsiya pero ang mga bala ay kinumpiska sa kanila.

Samantala, pinaalalahanan ni MIAA general ma­nager Ed Monreal ang lahat ng mga pasahero na magdadala ng ‘amulet’ o anting-anting na hindi sila makakalusot sa paliparan dahil ang mga ito ay makikita sa x-ray machines oras na ipasok nila ang kanilang mga bagahe.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with