^

Metro

100 bahay naabo sa sunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
100 bahay naabo sa sunog

Ang malaking bahagi ng mga kabahayan na natupok ng apoy sa sunog na naga­nap kahapon ng madaling-araw sa San Miguel, Maynila. Kuha ni KJ Rosales

MANILA, Philippines - Aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sumiklab na sunog sa San Miguel, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog dakong alas-3:29 ng madaling araw dahil umano sa napabayaang kandila sa bahay ng isang Oriel Degala sa Brgy. 645, San Miguel, Maynila.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayaan na gawa sa ‘light materials’ dahilan upang umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog bandang alas-5 ng umaga.

Dakong alas-6:51 na ng umaga nang ideklarang ‘fire out’ ang sunog, ayon kay BFP Senior Supt. Roel Diaz. Nasa 100 kabahayan ang natupok ng sunog at 250 naman ang apektadong pamilya nito. Nadamay din sa sunog ang barangay hall ng Brgy. 645 Zone 67 District 6.

Isang kilometro lamang ang layo ng lugar ng insidente mula sa Malacañang ngunit hindi naman ito apektado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with