^

Metro

2 binatilyo pinagbabaril ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinagbabaril ang dalawang binatilyo na ngayon ay kapwa ginagamot sa hospital ng dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa  Makati City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot ngayon sa Pasay City General Hospital ang dalawang biktima na sina Jayson Azarraga, 18, at si Jonard Aragon,17 kapwa naninirahan sa Marconi St. Barangay San Isidro, Makati City.

Nabatid na dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Marconi St. nang nasabing lungsod.

Base sa kwento ng mga nakasaksi, nakatayo sa harapan ng sari-sari store ang biktimang si Azarraga habang si Aragon naman ay nakaupo sa isang nakaparadang pedicab nang lapitan sila ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo at sabay na pinaputakan ang mga ito.

Nang kapwa duguang bumulagta ang mga biktima at sa pag-aakala ng mga salarin na napatay nila ang mga ito ay mabilis na tumakas ang mga ito palayo sa pinangyarihan ng insidente.

Narekober naman ang walong basyo ng bala ng 9mm sa pinangyarihan ng insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with