^

Metro

7 pulis Navotas huli sa kotong, sinibak ng NCRPO

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
7 pulis Navotas huli sa kotong, sinibak ng NCRPO

Kinilala ni Albayalde ang pito na sina PO3 Kenneth Loria, PO2s Jonnel Barocaboc at Jessrald Pacinio; PO1s Emmanuel Benedict Alojacin, Mark Ryan Mones, Christian Paul Bondoc at Jack Rennert Etcubañas. File

MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na sibakin na sa kani-kanilang puwesto ang pitong pulis Navotas na naaresto ng kanilang mga kabaro dahil sa kasong extortion.

Kinilala ni Albayalde ang pito na sina PO3 Kenneth Loria, PO2s Jonnel Barocaboc at Jessrald Pacinio; PO1s Emmanuel Benedict Alojacin, Mark Ryan Mones, Christian Paul Bondoc at Jack Rennert Etcubañas.

Ang pito ay pawang nakatalaga sa Navotas Police Intelligence Division ay dinakip ng mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) dahil sa umano’y pangingikil nila ng P100,000 sa isang Mark Echapare ng Brgy. Longos, Malabon na kanilang inaresto dahil umano sa droga.

Isa sa mga suspek ang gumamit sa cellphone ni Echapare at tumawag sa nanay nito at humihingi ng P100,000 kapalit na kalayaan ng anak.

Binantaan pa umano ng 7 pulis si Echapa­re na papatayin kapag hindi nakapagbigay ng kanilang hinihiling na pera.

Lihim namang nag­rek­lamo sa mga tauhan ng CITF ang ina ni  Echapare kaya isinagawa ang entrapment operation sa isang mall sa Malabon pero nakatunog ang mga suspek kaya hindi sila dumating.

Nakipag-ugnayan ang CITF sa pangungu­na ni chief Senior Supe-rintendent Jose Chiquito Malayo sa Northern Police District at nakumpirma ang identity ng mga suspek sa tulong ng kanilang superior na si Senior Superinten-     dent Allen Ocden,  ay nadakip ang mga suspek.

Nahaharap na nga-yon sa summary dismissal proceedings ang mga suspek na pawang inilipat na sa NCRPO Regional Personnel Hol-ding and Accounting Unit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with