^

Metro

2 patay sa pamamaril sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang binata ang napatay, habang sugatan ang isa pa nang pagba­barilin habang sila ay nagka-cara y cruz sa Brgy. Si­langan, sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni P/Chief Insp. Ferdinand Farinas ng Batasan Police Station 6, kinilala ang biktima na si Jose Abad, alyas Toots, 25, at Michael Angelo Bacoli, alyas Macmac, 26 , kapwa ng Brgy, Bagong Silangan.

Sugatan naman ang kasama sa sugal na cara y cruz na si Crisanto Aguilato, alyas Tisoy, 27.

 Base sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang nagsusugal ang mga biktima ng bigla na lamang sumulpot ang mga armadong kalalaki-han at bistayin ng bala ang tatlong magkaibigan na agad na nasawi sa lugar.

Patuloy pa rin ang isina­sa­gawang imbestigasyon sa insidente habang ina­alam kung ano ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang sangkot dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with