Klase, trabaho sa gobyerno sinuspinde sa Metro Manila
MANILA, Philippines – Inihayag ng Malacañang ngayong Huwebes ang pagkakansela ng klase at trabaho sa gobyerno sa Metro Manila mula ala-1 ng hapon dahil sa sama ng panahon.
"The Office of the Executive Secretary announced work suspension in all government offices in NCR starting at 1 p.m. today,” pahayag ni presidential spokesperson Ernesto Abella.
“The same with classes in public schools in all levels," dagdag niya.
Samantala, hindi naman sakop ng kautusan ang trabaho sa mga ahensyang may kinalaman sa disaster response at pagbibigay ng basic at vital government services.
Ipinaubaya na naman ng gobyerno ang desisyon sa pamunuan ng mga pribadong institusyon.
Nakararanas ng mahina hanggang sa malalakas na buhos na ulan ang Metro Manila dahil sa epekto ng bagyong Gorio.
- Latest