^

Metro

LRT-1 may extended hours at dagdag na biyahe na rin kahit weekends at holidays

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-1 may extended hours at dagdag na biyahe na rin kahit weekends at holidays

Batay sa abiso ng Light Rail Manila Corporation, na siyang operator ng LRT-1, nabatid na simula sa Hulyo 8, ay aagahan na nila ng kalaha-ting oras, o gagawing alas-4:30 ng madaling araw, mula sa dating alas-5:00 ng madaling araw ang unang biyahe ng kanilang mga tren tuwing weekends at holidays. File

MANILA, Philippines - Maging sa panahon ng weekends at holidays ay magpapatupad na rin ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ng karagdagang biyahe at pahahabain pa ang oras ng kanilang serbisyo.

Batay sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang operator ng LRT-1, nabatid na simula sa Hulyo 8, ay aagahan na nila ng kalaha-ting oras, o gagawing alas-4:30 ng madaling araw, mula sa dating alas-5:00 ng madaling araw ang unang biyahe ng kanilang mga tren tuwing weekends at holidays.

Daragdagan din nila ang kanilang mga biyahe at gagawing 472 trips, mula sa kasalukuyang 423 biyahe lamang tuwing Sabado at holiday, habang gagawin namang 353 ang biyahe nila tuwing Linggo, mula sa kasaluku- yang 323 biyahe lamang.

Sinabi ng LRMC na nagpasya silang ipatupad na rin ang extended hours at karag­dagang biyahe ng transit service kahit weekends at holiday, dahil na rin sa natanggap ng positibong feedback mula sa mga pasahero, hinggil sa ipinatutupad nilang extended operating hours na mula alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-10:15 ng gabi.

Kumpiyansa ang LRMC   na makatutulong ang bago nilang schedule upang mabawasan ang dami ng mga pasaherong naghihintay sa linya para makasakay ng tren.

Nauna rito, noong magbukas ang klase sa mga paaralan noong Hunyo 5 ay nagpatupad na rin ng extended hours at mas maraming biyahe ng kanilang mga tren ang LRT-1 tuwing weekdays, na nagkaroon naman ng magandang resulta at ikinatuwa ng kanilang mga pasahero.

Maging ang speed limit nila sa north extension o ang apat na kilometrong linya mula Monumento hanggang Roosevelts stations, ay dinagdagan din at ginawang 60 kilometer per hour (kph) na, mula sa dating 40/kph lamang.

Ang LRT-1 ang siyang  nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran sa Parañaque City. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with