^

Metro

Maintainer ng drug den, utas sa engkuwentro

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang suspect na maintainer ng isang “drug den” matapos itong makipagbarilan sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ayon sa hepe ng Caloocan City Police na si Se­nior Supt. Chito Bersaluna, kaagad na nasawi ang suspect na isang Jerome Bala, nakasuot ng lumang puting  t-shirt, floral short pants at sa kaliwang braso ay may tattoo na Jerome Bondco, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Bago ang engkwentro, alas-8:00 ng gabi ay nakatanggap ng tawag ang Police Community Precinct (PCP) 2 mula sa isang concerned citizen, na may nagaganap na pot session sa panulukan ng Bontogon at Libis Espina Sts. ng naturang lungsod.

Dahilan upang respondehan ito ng mga pulis at habang sinasalakay ng mga ito ang lugar ay biglang nagtago ang suspect sa loob ng bahay nito sa  Bontogon St.

Subalit, namataan ng mga pulis ang suspect at sa halip na sumuko ay pinutukan nito ang mga alagad ng batas na tumutugis sa kanya, na wala namang tinamaan dito.

Gumanti ang mga pulis at sa palitan ng putok ay bumulagta na ang suspect.

Napag-alaman na ang napatay na suspect ay maintainer umano ng isang itinuturing na drug den sa lugar. Narekober ng mga pulis ang isang kalibre .38 baril, tatlong plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with