^

Metro

Koreano kalaboso sa pangmomolestiya sa 2 minor

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Koreano kalaboso sa pangmomolestiya sa 2 minor

Kalaboso ang isang Koreano matapos molestiyahin  ang dalawang menor de edad, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. File

MANILA, Philippines -  Kalaboso ang isang Koreano matapos molestiyahin  ang dalawang menor de edad, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Kinilala ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Parañaque City Police ang mga  suspect na si Sing Hum Bae, 32.

Sa reklamo ng dalawang magkaibigan na itinago sa pa-ngalang Len-Len, 15, at Lorna, 13, naganap ang insidente alas-6:30 ng gabi, habang nag­lalakad  sila sa kahabaan ng President Avenue nang humin­to sa kanilang gilid ang isang kotse na minamaneho ni Bae.

Nagtanong sa kanila si Bae kung saan ang daan papunta ng BF Homes  dahil aniya naliligaw ito. Dahil sa hindi alam ng suspect ang patungo sa kanyang pupuntahan, niyaya nito ang mga dalagita na sumakay sa kanyang kotse at samahan siya.

Nakita naman ng mga biktima na maayos naman ang pakiusap ng suspect kaya sumakay ng mga ito  sa kanyang pupuntahan.

Ngunit habang sila ay bumibiyahe na ilang kilometro pa lamang ang layo sa kanilang pinagsakyang lugar, tumigil sila sa isang gasolinahan, hiniling umano sa kanila ng dayuhan na ipaamoy ng mga dalagita sa kanya ang kanilang mga paa.

Hindi pumayag ang mga biktima hanggang sa ipinakita umano sa kanila ang ari ng suspect.

Pumalag ang mga biktima at hindi agad nakaalis ang mga ito dahil naka-lock ang mga pintuan ng kotse. Ngunit  nang makakuha ng pagkakataon at mabuksan ang pinto, lumabas sila at tumakbo sa mga opisyal ng barangay na nagkataong nasa lugar.

Tinangka pa ng suspect na tumakas ngunit agad itong nahabol ng mga barangay tanod hanggang sa maaresto. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with