^

Metro

Dating tauhan ng BJMP, nadawit sa droga, itinumba

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng  retiradong miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na umano’y naging ‘tulak’ na ng droga nang pagbabarilin ng hindi pa naki­kilalang salarin na iniulat kahapon sa Taguig City.

Namatay noon din si Imelda Pagaduan, alias Mel, 48, nakatira sa Santo Niño St., Purok 6, Brgy. Lower Bicutan ng naturang siyudad.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspect at nagsasagawa pa ng follow-up investigation hinggil dito.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-2:30 ng madaling araw sa naturang lugar habang nakatayo si Pagaduan sa lugar nang biglang duma­ting ang suspect at walang salitang pinagbabaril ito na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.

Sa rekord ng Taguig City Police retiradong tauhan ng BJMP ang biktima at dahil wala na ito sa serbisyo nasangkot na ito sa pagtutulak ng droga  sa lungsod ng Taguig at kalapit na siyudad.

Narekober ng pulisya ang apat na plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias. Sa nga­yon ay iniimbestigahan pa ang nasabing pamamaril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with