^

Metro

Binaklas na stalls ng mga illegal vendors, pinasusunog ni Lim

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasusunog ni Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim ang lahat ng stalls sa para hindi na makabalik ang mga illegal vendor.

Ang kautusan ni Lim ay inatas nya kay Chairperson Ma. Teresa Montalbo, ng Brgy. Bali­ngasa,  Quezon City.

Kahapon ay pinangunahan ni Lim ang clea­ring operation sa Balintawak Market kontra sa mga traffic obstruction. 

Kung saan isa-isang winasak ang mga stall ng mga illegal vendor, na isa sa nakikitang dahilan sa pagsisikip sa daloy ng trapiko sa EDSA.

Inatasan ni Lim ang barangay officials na  sunugin na lamang ang mga binaklas na stalls ng mga ito para hindi na makabalik sa pagti­tinda.

“Next time, pag nakuha yung mga stalls, ‘wag na ibalik yang mga yan, sunugin mo na yan. Alangan naman babalik na lang kami dito araw-araw para gawin natin yan [clearing ope­rations],” sinabi  Lim kay Montalbo.  

Nabatid, na ang MMDA ang namamahala sa pagmamantina ng orderliness and clean­liness sa Metro Manila katuwang ang mga barangay.

Sakit ng ulo ng barangay ang mga illegal sidewalk vendor dahil sa matitigas ang ulo ng mga ito kahit alam nilang bawal magtinda sa mga side walk at sa mga lugar na daanan ng mga motorista at pedestrian.

Sinabi ni Lim na ang isinagawang clearing ope­ration nila sa naturang lugar ay huli na dahil kapag muling naulit ang paglabag, kaka­s­ti­­guhin na nila ang mga opisyal ng barangay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with