^

Metro

9.5 kilo ng marijuana nasabat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
9.5 kilo ng marijuana nasabat

Ang nasa 9.5 kilo ng marijuana na nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District sa dalawang suspect sa isinagawang operasyon sa Paco,  Maynila kahapon.  (Kuha ni Joven Cagande)
 

MANILA, Philippines -  Umaabot sa 9.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation kung saan dalawa katao ang nadakip sa Paco, Maynila,  kahapon ng  madaling araw.

Ayon kay Pandacan Police Station’s Drug Enforcement Unit, Senior Insp. Val Valencia, tinatayang nagkakahalaga ng P70,000 ang nakuhang marijuana sa mga suspek na sina Sonnyboy Abucay at Gilbert Rosales, alyas Imbet.

Isang pulis umano ang nagpanggap na bibili ng P1,200 halaga ng marijuana kay Rosales na siyang main target ng operasyon. Nang matapos ang transakyon agad na inaresto si Rosales kasama si Abucay.

Napag-alaman na matagal nang isinailalim sa surveillance ang suspek na sinasabing pinanggagalingan o source ng marijuana sa Paco at Pandacan area.

Nakuha sa kanila ang kabuuang siyam na malalaking bricks o bloke at dalawang maliit na piraso ng marijuana.

Ayon sa pulisya, posibleng mga estudyante ang pinag-bebentahan ng mga suspek lalo’t malapit lamang ito sa  mga pamantasan at unibersidad sa Maynila.

Naniniwala naman ang pulisya na ang mga droga ng mga suspek ay mula sa Bagong Barrio, Caloocan kung saan inamin naman ni Rosales na ang nakuhang marijuana ay galing sa isang tinawag nilang “nanay”.

Napag-alaman pang anak ng isang barangay kagawad ang suspek na si Rosales. Kapwa sila mahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with