PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ban sa light truck sa EDSA, Shaw, pinalawig

MANILA, Philippines - Pinalawig hanggang bu­wan ng Setyembre ang pag­babawal na makadaan ang mga “light trucks” sa ilang bahagi ng EDSA at Shaw Boulevard, ayon sa Metropolitan Manila Deve-lopment Autthority (MMDA).

Sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office head, Atty. Cris Saruca na ito ang naging desisyon ng Metro Manila Council (MMC) makaraang makita sa isinagawang mga survey na nakatulong ang ban sa mga light trucks sa pag­pa­paluwag sa daloy ng trapiko at pagpapabilis sa tra­vel time.

Inaprubahan ng MMC ang MMDA Regulation 17-001-A na nag-aamiyenda sa naunang resolusyon upang palawigin ang truck ban mula sa orihinal na Marso 15 hanggang Hunyo 15 na ngayon ay aabot na hanggang Setyembre 15.

 Sa ilalim ng light truck ban, pagbabawalang dumaan sa EDSA at Shaw Boulevard mula Mandalu-yong hanggang Pasig City ang mga light trucks na may gross weight na 4,500 kilograms at pababa.  Ito ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Ukol naman sa mga nagpapalusot na hindi light trucks ang kanilang minamaneho, sinabi ni Sa­ruca na pinagbabasehan ngayon ay ang bigat ng behikulo at hindi ang bilang ng mga gulong at axle. May mga ibang pamantayan rin na nakapaloob sa ipinatutupad na regulasyon tulad ng uri ng “enclosure” ng behikulo.

Hindi naman kasama sa naturang ban ang mga light trucks ng pamahalaan tulad ng mga pag-aari ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, mga emergency vehicles tulad ng ambulansya at trak ng bumbero at mga behikulo na nabigyan ng MMDA ng exemption dahil sa katanggap-tanggap na mga dahilan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Maaaring dumaan uma-no ang mga light trucks sa mga alternatibong ruta tulad ng Mabuhay Lanes at sa C5 Road.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: