^

Metro

Kabataang Muslim nagrali, nanawagan ng kapayapaan sa Marawi

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kabataang Muslim nagrali, nanawagan ng kapayapaan sa Marawi

Ang mga kabataan Muslim na nananawagan ng kapayapaan sa Mindanao matapos silang magsagawa ng rali bitbit ang mga placard sa may Goldapo Mosque sa Quiapo, Maynila kahapon. Edd Gumban

MANILA, Philippines - Sa kabila ng murang isipan, nagsagawa ng tila kilos-protesta ang mga batang Muslim para ipahayag ang kanilang saloobin sa harap ng Golden Mosque sa Quiapo, Maynila, kaugnay sa nagaganap na bakbakan sa Marawi City, kahapon ng umaga.

Naroroon ang mga bata at kanilang mga magulang at kaanak dahil sa paggunita ng Ramadan.

Bitbit ng mga bata, pati ang mga musmos ang mga placard na may nakasulat na “Peace For Marawi”.

Nais ng mga kabataan na matapos na ang nagaganap na kaguluhan sa Marawi, bagamat hindi pa nila ganap na nauunawaan kung ano ang martial law na idineklara sa Mindanao.

Ayon sa administrator ng Manila Golden Mosque and Cultural Center na si Hajji Moh’d Ersad Malli, hindi sila kontra sa pagpapatupad ng martial law sa Minda­nao dahil mabibigyan ng proteksiyon sa pamamagitan nito ang mga inosenteng sibilyan at magiging daan para maibalik ang kaayusan sa Marawi City.

Mariin ding kinondena ng mga Muslim sa Golden Mosque ang pag-atake ng mga tero-rista ngayong banal na buwan ng Ramadan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with