^

Metro

‘Tulak’ todas sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang 53-anyos na umano’y ‘‘tulak’’ nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District-Station 2, sa buy-bust operation, kamakala­wa ng hapon.

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center  (GABMMC) ang suspek na kinilalang si Leonardo Lorenzo alyas “Leo”, residente ng No.383 Mabagos St., Tondo,  subalit binawian din ng buhay bunga ng mga tinamong bala ng baril sa iba’t ibang bahagi  ng kanyang katawan.

Sa ulat ni PO3 Jeffrey Laus ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:05 ng hapon nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng MPD-Station 2, sa pangu­nguna ni PO2 Ronel Siriban laban sa suspek na nagtutulak umano ng droga sa kaniyang bahay.

Nang makabili na ng P500 halaga ng shabu ang umaktong buyer na operatiba, saka lamang umano nahalata ng suspek na pulis ito kaya nagmura pa umano ito at sabay bunot ng baril at ipinutok sa pulis na hindi naman tumama kaya siya niresbakan ng mga putok.

Narekober sa suspek ang ginamit na kalibre 38 baril, limang plastic sachet ng sha­bu, mga bala at P500 marked money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with