^

Metro

Drug suspect, tinakasan ang checkpoint, utas

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pinaniniwalaang ‘‘tulak’’ ng droga ang nasa­wi matapos takasan ang police checkpoint at makipa­habulan at makipag­barilan pa sa mga humahabol sa kanilang pulis, kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Namatay noon din ang suspect na kinilala lamang sa alyas Macky sanhi ng mga tamang tinamo sa ulo.

Mabilis namang nakatakas ang kasama nito.

Dakong alas-2:55 kaha­pon ng madaling araw ay nagsagawa ng checkpoint ang pulisya sa Sitio Libjo, Santo Niño ng naturang siyudad kung saan namataan nila ang kahina-hinalang motor-siklo (1578-XH) at kinalululanan ng dalawang suspects.

Napansin ng mga pulis ang pag-iwas ng mga ito sa itinatag na checkpoint na dito na nagkaroon ng habulan. Nabatid na pinaputukan ng mga suspect ang humahabol sa kanilang mga pulis dahilan naman para gumanti ng putok ang pulisya.

Umabot ang habulan hanggang sa kahabaan ng C-5 Extension, Brgy. San Dionisio ng nasabing lungsod ay dito na bumulagta si Macky. Kaagad namang iniwan ito ng kanyang ka­sama maging ang gamit nilang motorsiklo.

Bukod sa motorsiklo narekober din ng pulisya sa nasawing suspect ang 13 sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .38 baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with