^

Metro

Lola timbog sa pagdukot sa apo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 45-anyos na pensyonada ang dinampot ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police Station-6 (PS6) dahil sa reklamo ng kanyang sariling anak na babae dahil sa umano’y pagtangay sa isang tatlong taong gulang niyang anak, kamakalawa sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Sa ulat kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ni PS-6 commander P/Supt. Lito Patay ang suspek ay kinilalang si Cristina Bayson ng  Naval, Leyte.

Siya ay inireklamo ng kanyang anak na si Angelica Bayson 19, ng Brgy. Payatas B, QC dahil sa pagtangay umano sa kanyang anak na si Jopet ,3-anyos.

Base sa pagsisiyasat ni PO2 Rachelle Grace Muñoz, imbestigador sa kaso, nangyari ang insidente sa pagitan ng mga petsang May 23, 2017, dakong alas- 4 ng madaling araw hanggang ala- 1 ng hapon mula sa bahay ng biktima hanggang sa loob ng isang terminal ng bus sa kahabaan ng Arayat-Edsa, Cubao, QC.

Lumiltaw na kinuha umano ng suspek ang bata ng hindi nalalaman o walang pahintulot ng nanay nito para dalhin niya sa probinsya sa Leyte, malayo sa pamilya nito. Sa puntong ito, direktang nagpunta ang grupo sa Silver Star bus Line Terminal sa Arayat-Edsa, Cubao, QC, kung saan pagsapit nila dito ay nakita nila ang suspek na positibo namang kinilala ng complai­nant dahilan para iligtas ng mga operatiba mula dito ang bata.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga ng PS6 para sa pagsisiyasat habang ang complainant na anak nito ay pinayuhan naman ng awtoridad at inirefer sa Social Service Development Department (SSDD) para sa counseling at intervention.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with