^

Metro

15-anyos na anak ng parak, nagbaril sa sarili

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang -15 anyos na binatilyo na anak ng isang pulis Maynila na pinaniniwalaang nagpatiwakal gamit ang baril ng ama sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Bigong mailigtas ng mga doktor sa Sta. Ana Hospital dahil sa tagusang tama ng bala sa sentido ang biktimang si Marlon Rosales Jr., anak ni PO3 Marlon Rosales Sr. , nakatalaga sa Manila Police District-Station 6, at residente ng Francisco St., Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Jeffrey Laus ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 8:51 ng gabi nang tuluyang ideklarang patay ang biktima.

Huling nakitang buhay ang  biktima dakong alas- 5:45 ng hapon at bandang 7:30 ng gabi nang tatawagin ng kaniyang kuyang si Lance para maghapunan ay hindi na ito matagpuan.

Nang maisipang tingnan sa rooftop ng bahay ay doon nakitang nakahandusay at  hindi na gumagalaw ang utol.

Ipinaalam sa kanilang ama at isinugod sa nasabing pa­gamutan ang biktima bagamat hindi na naisalba pa ng mga manggagamot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with