P3-M smuggled na kotse, motorsiklo nasabat ng BOC
MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P3 milyong halaga ng mga smuggled na kotse at motorsiklo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port noong Mayo 19 nang ideklara itong household goods at personal effects.
Ayon kay Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno ng BOC- Enforcement Group naglabas ng alert order ang Command Center, sa shipment ng consignee na si Efrell B. Lopez kung saan nakadeklarang 170 packages ng household goods at personal effects samantalang ang tunay na laman ay Mitsubishi-3000 GT car, Honda CB 900, Yamaha, at Kawasaki Ltd. 550 motorcycles.
Lumilitaw din sa X-Ray Inspection Project (XIP) Team na ang undeclared items ay may “prima facie evidence of smuggling.” Aniya, ang mga nasabing motor vehicles ay walang import permit mula sa Department of Trade and Industry-Bureau of Import Service. Nabatid na ang mga sasakyan ay dumating sa MICP noong April 28 mula Oakland lulan ng Cosco Thailand V-50. Maglalabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention para sa nasabing shipment. Kakasuhan naman ang consignee ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
- Latest