^

Metro

Parak utas sa pananambang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Parak utas sa pananambang

Tinadtad ng bala ang sasakyan ng pulis na si PO2 Frederick Tolentino na inambush ng tatlong hindi nakikilalang mga salarin lulan ng dalawang motorsiklo sa Quezon St., Tondo, Manila. Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na mi-yembro ng Philippine Na­tio­nal Police at dating nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasawi mata­pos pagbabarilin habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan, ng tat­long lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo, sa Que­zon St., Ton­do, Maynila, kahapon ng ma­da­ling araw.

Kinilala ni Senior Inspector Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si PO2 Frederick Tolentino, residente ng Rawis Compound, Tondo, Maynila. Siya ay dating naka-assign sa MPD bago nailipat sa Regional Personnel Holding Account Unit (RPHAU).

Inaalam pa ang pagkilanlan sa mga armadong suspek sa pananambang na tumakas sa direksiyon ng northbound ng Quezon St.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun, naganap ang ambush dakong alas-12:20 ng madaling araw kahapon sa naturang lugar. Nakaparada ngayon sa MPD Headquarters compound ang sasakyan ng biktima na isang kulay silver na Toyota Corolla Altis na may plakang XHS 721, para sa bullet trajectory exa­mination.

Sa pagresponde sa crime scene, dinatnan ang biktima na walang buhay at nakayuko sa driver’s seat, na ayon sa grupo ng SOCO ay nagtamo ng tama ng bala sa leeg at likod ng tenga.

Habang tinatahak umano ni Tolentino ang nasabing lugar ay bumubuntot na sa kaniya ang dalawang motor­siklo sakay ang tatlong suspek kung saan  niratrat nila ang sasakyan ng biktima.

Sinabi ni PO3 Maraggun na patuloy pa ang beri­pikas­yon sa mga kasong kinasasangkutan ng biktima at iba pang rekord nito na maaaring pagbatayan sa kaso.

Noong Hunyo 2014, si To­lentino ay inaresto ng Na­tional Bureau of Investi­gation (NBI) dahil sa pagka­kasangkot sa kidnapping ng Korean businessman na si Hyun Koo-yeo noong Abril 2014. Na­kapagbigay ang biktima ng halagang P4-milyon sa hinihinging P20-milyon.

Gamit na ebidensya ng awtoridad ang natuntong sasakyan na nakaparada sa labas ng kaniyang bahay, na gamit umano sa pagdukot, isang silver Toyota Altis XHS 721 at nakarehistro sa pangalan niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with