^

Metro

Habang natutulog mag-live-in na sekyu, inatado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tigok ang isang security guard habang nasa malubhang kalagayan naman ang ka-live in nito makaraan pasukin sila sa loob ng kanilang bahay habang natutulog ng isang lalaki at pagsasaksa-kin sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Ricky Adlawan, 27, habang ang sugatan niyang kinakasama ay si Basilisa La-zaro, 48, lady guard, pawang mga nakatira sa Blk 2, Lt 6, Mayang Pula Kaliwa, Sitio Aguardiente, Brgy. Santa Monica, Novaliches QC.

Ayon kay PO2 Alvin Qui­sumbing, may-hawak ng kaso, nagsasagawa na ang kanilang pamunuan sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) upang matukoy ang salarin.

Sa pagsisiyasat, nangya­ri ang insidente dakong alas- 3:30 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang dalawa nang magi-sing si Lazaro sa pag-ungol ni Adlawan.

Nang kanyang tingnan ay nakita niya ang isang lalaki na sinasaksak si Adlawan na siyang agad na ikinamatay nito.

Hindi pa nakuntento ang suspek, pinuntahan nito si Lazaro at pinagsasaksak din bago tumakas.

Nagawa namang makahingi ng tulong ni Lazaro sa mga kapitbahay at isinugod siya sa FEU Gen. Hospital kung saan siya inoobserbahan.

Nagsasagawa na ang pulisya ng imbestigasyon upang matukoy ang salarin. Habang narekober naman sa crime scene ang dalawang patalim na may bakas ng dugo na hinalang ginamit ng salarin sa pag-atake sa mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with