PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

AWOL na parak timbog sa droga at boga

MANILA, Philippines -  Arestado ang isang AWOL (absent without leave) na pulis sa isinagawang operasyon ng Manila Police District (MPD) matapos makumpiskahan ng iligal na droga at mga hindi lisensyadong mga baril sa Parola Compound, Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Supt. Amante Daro, hepe ng MPD-Station 11, ang suspek na si PO1 Cornelio Juanitas, alyas Intoy, 34, dating nakatalaga sa Regional Personnel and Holding Account Unit (RPHAU) sa Camp Bagong Diwa, National Capital Region Police Office (NCRPO), sa Taguig City, at residente ng Parola Compound, Binondo. Isinagawa ang raid dakong alas-5:15 ng hapon ng pulis.

Narekober mula kay Juanitas ang dalawang kalibre.45 na baril, isang kalibre .38, isang improvised handgun, isang gun replica, tatlong magazine, 24 na bala, hinihinalang shabu at  drug paraphernalia. “Incidentally, nakuha natin ‘tong mga baril na ‘to at itong gingagamit niya na paggawa ng baril. Ang assessment namin is nagma-manufacture siya o nagfa-fabricate siya ng baril,” dagdag pa ni Daro.

Kahit hindi na umano nagre-report sa trabaho ay nagpapakilala pa ring pulis ang suspek, na posible umanong sangkot pa sa ibang iligal na aktibidad tulad ng pagiging gun for hire at illegal gambling, ngunit biniberipika pa umano  nila ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: