PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Suspect sa Quiapo blast nadiin, kaso sumampa na sa korte

MANILA, Philippines -  Inirekomenda ng Manila Prosecutor’s Office na isampa na sa korte ang mga kasong kriminal kaugnay sa pagpapasabog na naganap sa Quezon Boulevard,sa Quiapo, Maynila noong Abril 28 na ikinasugat ng 13 katao, habang nagaganap ang ASEAN Summit sa Pasay City.

Sa criminal information na pirmado ni Manila City Pro­secutor Edward Togonon, pinakakasuhan ng 3 counts ng  frustrated murder at  10 counts ng attempted murder ( in relation to Section 2 and Section 3-C ng Republic Act 9516) batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa kasong illegal possession of explosives si  Abel Macaraya.

Walang inirekomendang piyansa ang piskalya para sa pansamantalang paglaya ni Macaraya.

Ang paggamit ng pampasabog ay maituturing na qualifying circumstance at mangangahulugan ng mas mabigat na parusa.

Binigyan ng bigat ng piskalya ang mga ebidensyang iprinisinta ng Manila Police District.

Kasama na rito ang salaysay ng tatlong testigo na nag-sasabing nakita nilang iniwan ni Macaraya ang itim na bag na naglalaman ng improvised explosive device sa Soler Street, ilang sandali bago ito sumabog.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pinagbatayan din ang apat na closed circuit television (CCTV) footage kung saan makikita na si Macaraya ay tumatakbo galing sa pinangyarihan ng pagsabog.

Naaresto si Macaraya sa follow-up operation na isinagawa ng MPD-District Special Operations Unit (DSOU) sa P. Casal St., sa Quiapo noong Mayo 4, 2017 at narekober mula sa kanya ang mga sangkap ng paggawa ng pipe bomb at baril na ’di lisensiyado.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: