^

Kutob

Abril 10, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi ako matatakot dahil tapat ang Panginoon ko, na hindi niya ako pababayaan at iiwan. Sa anumang kalimidad, kakapit lang ako sa Kanyang salita at mananampalataya.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  Iwasan ang argument para maiwasan na mapaaway. Huwag patulan ang nanadya dahil pagmumulan ito ng hindi pagkakaunawaan. Kung mangyayari ang sigalot, mapakakalma upang hindi mapasok sa kumpromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maayos ang kondisyon ng mental na kakayahan. Walang puwang na magkamali kaya kung may bagay na kailangan pagdesisyunan, gawin nang walang alinlangan. Maganda kang makasama dahil masayahin at kahit saan ay maaaring yayain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kung naging magulo ang situwasyon sa relasyon, walang dahilan para manatili pa rito. Ang kapakanan ang siyang unahin bago ang iba. Hindi ka maaaring makatulong sa iba kung kailanganin o kulang ka rin para sa iyong sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag magpadalus-dalos sa gawain o desisyon dahil mabigat ang timbang ng pagkamali. Huwag maniwala sa matamis at baka madaya o maloko. Malamang isang hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.   

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin hindi labag sa kagandahang-asal o hindi mag­reresulta sa kapahamakan ng iba at sa sarili. Tiyakin na ang ginagawa ay nasa sariling isip at hindi dikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mag-ingat sa pagbabalita dahil baka ang balitang maganda ay maaaring maging pangit dahil sa pagkabigkas. Iwasan ang magyabang. Itikom ang bibig hangga’t maaari dahil may mabibigkas ka na ikakagalit ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at green.

LIBRA (Setyembre  24- Oktubre 23) – Tuluyan nang mawawala ang minamahal dahil sa pride at hindi maiwasan sisihin ang sarili. Ang desisyon na gagawin ay panindigan nang buong tatag, kahit ito ay masakit sa kalooban. Kung kayo ang magkakatuluyan, tiyak hindi magiging maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at jade green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –  Walang suliranin sa pera. Maayos ang lagay ng kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Walang dapat ikabahala. Magiging maayos ang takbo ngayong araw. Kung may plano, simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 43 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy na magsisikap. May bahagyang hindi pagkakaunawaan na mamumuo sa tahanan o pinapasukan. Malamang ma­magitan ka upang ayusin, tiyakin lang na hindi ka makakasali sa kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at maroon.   

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Isang proyekto ang hahamon sa talino at galing. Malamang mahirapan ka subalit kung pagsisikapan, tiyak magtatagumpay. Lahat ng nalalaman at tiyak ay magagamit sa proyekto. Mapagana ng husto ang imahinasyon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at gray.   

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maging tapat kung nais na manatili ang tiwala ng minamahal o kapwa. Nakapaligid ang temtasyon at madali kang mahikayat. Kung papatangay sa nag-udyok, kapahamakan ang aabutin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at orange.   

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Maraming gawain subalit kailangan bigyan ng panahon ang pagpapahinga. Bigyang pansin ang kapakanan ng kalusugan. Isang kasambahay ang maglalambing, maghanda dahil may kailangan siya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at purple.   

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with