PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

377 maliliit na truck, huli sa light truack ban

MANILA, Philippines -  Nasa 377 mga malili­it na trucks ang hinuli ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) matapos luma­bag sa ipinatupad na ‘‘uniform light truck ban’’, kahapon sa ka­habaan ng EDSA at Shaw Boulevard.

Nabatid, na ang multa sa naturang paglabag ay P2,000.00.

Ipinatupad ang ‘‘uniform light truck ban’’ ma­tapos tong aprubahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy ma-king body ng MMDA na kinabibilangan ng mga Metro Mayors sa layuning makabawas sa masikip na daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila,  partikular sa EDSA.

Nakasaad sa MMC Reso­lution, na ang truck na may bigat na 4,500 kgs. pababa ay hindi pi- ­na­­­payagang dumaan ng  kahabaan ng EDSA at Shaw Boulevard na nasa hurisdiksiyon ng Mandaluyong at Pasig City simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Matatandaan na noong Miyerkules (Marso 15) hanggang Sabado (Marso 18) ay nagpatupad muna ng dry-run para sa natu­rang traffic scheme at kahapon araw ng Lunes ay “full implementation” na ito.      

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: