^

Pang Movies

Maymay napaamin kay Edward!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Grabe ang impact ni Maymay Entrata hindi lang sa kanyang fans at supporters kundi maging sa kanyang haters at bashers matapos niyang sumalang sa lie detector test sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

Hindi agad nakasagot si Maymay sa tanong ni Toni Gonzaga kung may nararamdaman ba ito kay Edward Barber na higit pa sa pagiging kaibigan.

Hindi naniwala ang dating mga housemate na nagsilbing judges sa lie detector na kaibigan lang ang tingin nito kay Edward.

Marami ang natuwa nang lumabas ang “Lie” matapos sabihin ni Maymay na hindi niya crush si Edward.

Ang ibig sabihin, type talaga ni Maymay si Edward na siyang lalong kinakiligan ng fans. Pag-amin ni Maymay, hindi naman daw siya kailanman magugustuhan ni Edward na agad na tinama ni Toni at sinabing lahat ay pwedeng mangyari kaya hindi ito dapat panghinaan ng loob.

Ayaw din paawat ng bashers ni Maymay na mas boto na ka-loveteam ni Edward si Heaven Peralejo. Sinasabi rin ng ibang netizens na ginagamit lang ni Edward si Maymay para sumikat dahil malakas ang hatak ng bagong comedienne ng Bahay ni Kuya.

Samantala, lahat ay saludo kay Maymay na kahit iniwan sila ng kanyang tatay, bukas pa rin siya sa posibilidad ng pagkikita nila ng ama balang araw.

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with