^

PSN Showbiz

Sandara hindi type si Robi!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nagulat si Sandara Park nang mapagbintangang inagaw nito si Robi Domingo sa kanyang nakahiwalayang girlfriend na si Gretchen Ho.

Bagaman at wala pang pormal na pag-amin mula sa dalawa sa sinasabing split nila, kumalat na agad ang balitang nagkakamabutihan na ang TV host at ang Koreanang artista. Itinanggi ito ni Sandara nang minsang ma-interview siya. Nilinaw niyang magkaibigan lamang sila ni Robi, mabuting magkaibigan at hindi siya naniniwala na mauuwi ito sa isang romansa.

O, mali na naman kayo!

Aiko at Jomari nagseselosan pa rin?!

Hindi maiwasang hindi mapag-usapan sina Aiko Melendez at Jomari Yllana dahil nag-aartista na ang kanilang anak na si Andrei Yllana. Masuwerte ang baguhang artista at mabilis siyang nagka-project dahil base sa ipinamamalas niyang performance sa mga naa-assign sa kanyang trabaho ay namana rin niya ang galing sa pag-arte ng kanyang mga magulang. At kapag napupuri ang kagalingan niya sa kanyang craft ay kumukuha ng credit ang kanyang mga magulang.

Pero maging sina Aiko at Jomari ay napag-uusapan pa rin dahil sa kanilang mga lovelife. Kahihiwalay lamang ni Aiko sa kanyang dayuhang ex habang si Jomari naman ay pinag-uusapan sa kanyang kasalukuyang karelasyon dahil daw sa pagseselos nito kay Aiko.

Tahasan namang itinatanggi ng aktres na may dapat pagselosan sa kanya ang babae.

“Ni hindi nga kami nag-uusap ni Jomari, sila ni Andrei oo pero, kami hindi! Paano pa kami magkakaro’n ng relasyon?,” pagtanggi ng aktres na kasama sa Wildflower, ang bagong serye ni Maja Salvador sa ABS-CBN. Siya ang sentro ng gagawing paghihiganti ni Maja sa ginawa nila ng kanyang pamilya na pagpatay sa ama nito at pagkawala rin ng kanyang ina

Sa kabila ng kanyang kahusayan sa pag-artre, inaamin ni Aiko na kailangan pa niyang mag-workshop para mas humusay pa sa kanyang acting at hindi kalawangin. Kasabay ng kanyang acting workshop ang pag-aaral din sa pagdidirek. Isa sa mga pangarap niya na gustong mabigyang katuparan ay makapag-direk sa TV at pelikula.

“Darating din ako riyan,” matiim niyang pangako.

Isa sa mga kinukunan niya ng inspirasyon para maging mas mahusay pang artista at direktor ay ang patuloy na pagtanggap ng pagkilala sa kanyang mga ginagawa. Tumanggap siya kamakailan mula sa Gawad Tanglaw ng tropeo bilang Best Supporting Actress.

Bahagi rin ng gagawin niyang pagpapaunlad ng kanyang karera ang kapansin-pansin nang pagliit ng kanyang pangangatawan. Very proud sa pagpayat niya si Andrei na siyang kumuha ng larawan niyang naka-bikini na namamalas ngayon sa social media. 

Denise bugbog ang katawan!

Gumagaling na artista si Denise Laurel. Patunay nito ang mara­ming proyekto na naa-assign sa kanya ngayon na buong husay niyang nagagampanan. Bentahe niya ang pagiging daring tulad ng role niya sa panghapong serye na The Better Half na umaani ng kontrobersya at intriga dahil sa tema nito at maiinit na eksenang ginagawa nila ni Carlo Aquino gayung napakaaga ng airing nito,

Napatunayan na rin ni Denise na hindi lamang siya sa mga drama at maiinit na eksena may talento. Bagay na bagay siyang kontrabida bagaman at sa pagganap sa mga ganitong roles siya nakakatikim ng sampal at pananakit ng katawan.

Joshua mahihirapan kay Julia

Tama ang obserbasyon ng isang katotong entertainment writer na si Aster Amoyo na maganda ang kumbinasyon nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Magaganda ang mga anak nila, artistahin at mukha rin namang namana ang mga talento ng mga magulang nila sa pag-arte. Bumabawi sa matagal na pagkakatengga niya si Julia Barretto na mukhang nakakuha ng tamang kapareha kay #Hashtag Ronnie Alonte. Sorry kay Joshua Garcia dahil baka mahirapan na siyang makuha si Julia after ng A Love To Last. Kung sabagay, mukha namang hindi sa pamamagitan ng isang loveteam nakatakdang sumikat ang Pinoy Big Brother (PBB) alumnus kundi sa kanyang i­pinamamalas na husay sa pag-arte.

Janine alaga ng tiyuhing

si Ricky Davao 

Maganda ‘yung mga unang episode ng Legally Blind. Kaabang-abang kung ano ang naging motibo ni Marc Abaya sa ginawa niyang pag-rape kay Janine Gutierrez. Naalagaan naman nang mabuti ni direktor Ricky Davao ang nasabing eksena na lumabas na maganda. Pasalamat si Janine dahil sa suporta na ginawa ng kanyang direktor.

Malaking hirap pa ang daranasin ni Janine sa Legally Blind dahil bulag ang character niya.

 

 

 

vuukle comment

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with