^

PSN Showbiz

Aktres minamalas ang career dahil sa kaplastikan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz nu’ng isang gabi ang isang female personality na ang dating na ngayon sa marami ay TH (trying hard).

Pinagtataasan ng kilay ng magkakaumpukan ang kanyang pagmamaangas, hindi siya binibigyan ng karapatan, dahil wala pa naman siyang napapatunayan.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Hindi lang siya TH, plastic pa ang babaeng ‘yun! Kung anu-ano ang pinagsasasabi niya na hindi naman siya sincere! Makakuda lang ba!

“May isang beking madalas niyang makita sa studio, nagpapanggap na reporter ang beki, kahit hindi naman, akala siguro ng girl, e, totoo ngang manunulat ang madalas niyang makita sa studio!

“Sinabi niya nu’ng minsan, ‘Tito, nabasa ko po ang sinulat n’yo about me. Salamat po, ha? Hayaan n’yo po, lalo kong pagbubutihin ang acting ko!’

“Hindi lang nagpahalata ang beki, pero nagulat siya, anong write-up ang pinagsasasabi ng girl, e, hindi nga siya marunong magsulat?

“Ganu’n siya ka-plastic, kahit hindi naman totoo, e, sinasabi niya. Naloloka sa kanya ang mga gaka!” tawa nang tawang kuwento ng source.

Sa totoo lang, ilang ulit na pala niyang nakakaharap ang mga tunay na manunulat, pero hindi pa rin niya ma-memorize ang pangalan ng mga reporter o kahit ang hitsura lang ng mga ito.

“Naku, kailangan pa nga siyang sabihan ng handler niya na mga reporter ang kaharap niya, ‘no! Wala siyang pakialam sa names ng mga columnist, ni hindi nga niya natatandaan ang hitsura ng mga reporter!

“Ganu’n siya kawalang keber, pero kung makaporma siya, e, akala mo ang ganda-ganda ng relasyon niya sa mga press people. Hooooyyyy!!!!” naiinis pang kuwento ng source.

Magaling lang daw ang female personality na ito sa pakikisawsaw, sa pakikisakay sa kung anu-anong isyu, napakaaktibo niya sa social media dahil wala naman siyang pinagkakaabalahang trabaho.

“Flopey naman kasi ang mga ginagawa niyang project, hindi kumikita, may balat sa puwet ang babaeng ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Nakakaawa  Erich at Daniel kailangang magpakamanhid

Dahil sa matinding pangangailangan ay kinailangang magkasundo sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Spell M ang dalawa, nilunok muna nila pansamantala ang kanilang pride, dahil meron silang show sa Amerika.

Matagal na nilang kompromiso ang naturang show, hindi puwedeng ikatwiran na break na kasi sila, para hindi matuloy ang palabas. Kailangan nilang tuparin ang pagda­ting sa show dahil kung hindi ay makakasuhan naman ang Star Magic ng mga producer.

Napanood namin ang video nila habang tumatakbo ang show, inakbayan pa at hinalikan sa noo ng Brapanese actor si Erich, yumakap naman ang dalaga sa bewang ng kanyang ex-boyfriend.

Nakakaawa rin sila, sa isang banda, dahil kahit kargado pa ng emosyon ang kanilang mga puso ay kailangan nilang gawin ang show at ipakita sa ating mga kababayan na maayos na sila.

Ganu’n ang takbo ng buhay ng mga artista, the show must go on, kahit pa gustung-gusto nang pumutok ng kanilang puso. Kahit hindi pa sila handang makaharap-makasama ang nanugat sa kanilang damdamin.

Kunsabagay ay puwede namang magpairal ng pagiging edukado ang tao kahit pa gusto na niyang sampalin ang kanyang kapwa. May imahe kasi siyang kailangang ingatan at alagaan, siya kasi ang talo sa husgado ng bayan kapag nagpadalus-dalos siya, kaya keri na ang pagiging plastikada paminsan-minsan.

Sana nga ay magkaroon ng pagkakataong makapag-usap sa ibang bansa sina Daniel at Erich. Kahit hindi na ‘yun tungkol sa kanilang pagbabalikan. Kahit para na lang ‘yun sa kanilang pagkakaibigan.

Marami namang nagkahiwalay na nagmamahalan na naging magkaibigan pagkatapos. Sariwa pa lang ang hiwalayan nina Daniel at Erich, hindi pa natin mahahanapan ng milagro ang pagtatratuhan nila ngayon, pero siguradong darating din ‘yun kapag pareho na silang nahimasmasan.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with