^

Metro

4 pang dawit sa droga, bulagta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang apat na kalalakihan na sangkot umano sa droga sa magkakahiwalay na pamamaril sa Pateros, Parañaque at Las Piñas City na iniulat kahapon.

Base sa nakarating na report sa tanggapan ni Police Chief Supt. Tomas Apolinario, director ng Southern Police District, kinilala ang mga biktimang sina John Lester Certeza Abrecea, 41, ng  Brgy. Santa Ana; isang alyas Baton, ng Brgy. Santo Rosario-Silangan, kapwa  sa bayan ng  Pateros; Jefferson Naniong, alyas Jekjek, ng Sampaloc Site, Brgy. BF, Parañaque City at  Banak Cristobal, ng Daang Cariton Curva,  Quirino Avenue,  Brgy. Aldana, Las Piñas City.

Kaagad na nasawi ang naturang mga biktima sanhi ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa SPD, alas-12:30 ng madaling araw nang pagbabarilin si Abrecea sa P. Rosales St., Brgy. Santa Ana, Pateros ng apat na hindi kilalang kalalakihan na pawang naka-bonnet na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Samantalang si alyas Baton  ay pinagbabaril ng apat ring kalalakihang magkakaangkas sa dalawang motorsiklong walang plaka.

Sa nasabi ring oras, pinagbabaril din at napatay ang sinasabing kilabot na ‘tulak’ na si  Naniong  ng hindi pa rin kilalang mga suspect na riding in tandem sa panulukan ng A. Santos Avenue at Sampaloc Site, Brgy. BF, Paranaque City.

Habang si Cristobal naman ay napatay sa Daang Cariton Curva,  Quirino Avenue, Brgy. Aldana, Las Piñas City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with